China nangako sa Pilipinas na imbestigahan ang pangunguha ng Chinese Coast Guard sa mga huling isda ng mga pinoy sa Scarborough Shoal
Tiniyak ng China na imbestigahan ang insidente ng pangunguha ng Chinese Coast Guard sa isdang huli ng mga mangingisdang pinoy sa Scarborough Shoal.
Sa ambush interview kay Chinese Ambassador to Manila Zhao Jiamjua sa Independence day celebration sa Kawit, Cavite sinabi niya na personal niyang siniguro kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ng chinese government ang insidente sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Ambassador Zhao papatawan ng kaukulang disiplina ang mga Chinese Coast Guard na mapapatunayang lamabag sa kasunduan sa Scarborough Shoal.
Inihayag ni Ambassador Zhao na maituturing na isolated ang insidente sa Scarborough Shoal at hindi makakaapekto sa itinatag na bilateral mechanism na itinatag sa pagitan ng Pilipinas at China upang pag-usapan ang anumang lilitaw na problema sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea.
Ulat ni Vic Somintac