China, pinondohan ang dalawang state-of-the-art bridges sa Metro Manila
Pumayag na ang China na pondohan ang konstruksyon ng dalawang state-of-the-art bridges sa Metro Manila.
Nilagdaan ng dalawang bansa ang Minutes of Discussion para sa full grant ng China para sa konstruksyon ng Binondo-Intramuros Bridge sa Manila at ang Estrella-Pantaleon Bridge sa Mandaluyong City.
Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, sakop ng grant ang disenyo at konstruksyon ng mga bridge habang ang Department of Public Works and Highways ang responsable sa acquisition ng road right-of-way.
Bukod sa dalawang bridge, popondohan din ng China ang Panay-Guimaras-Negros Link Bridges at Davao City Expressway.
Nagkakahalaga ng ₱450 million ang Binondo-Intramuros Bridge at ₱260 million ang Estrella-Pantaleon Bridge na inaasahan na makakatulong sa pagluwag ng trapiko.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo