China at Russia wala pang alok na tulong sa Pilipinas para maresolbaang gulo sa Marawi City

marawi2

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Wala pang alok na tulong ang China at Russia sa gobyerno ng Pilipinas para sa nagpapapatuloy na military operations sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kasunod na rin ng pagbibibay ayuda ng Amerika sa tropa ng pamahalaan na puspusan ang trabaho sa kinubkob na siyudad ng Maute group.

Nauna nang nilinaw ng Palasyo na technical support lamang ang ibinibigay ng US forces at hindi uubra ang kanilang partisipasyon sa combat at surgical operations.

Ayon kay Abella, bagaman hindi pa nagpapaabot ng anumang tulong ang China at Russia, kayang-kaya pa naman ng pamahalaan, sa kabila ng mainit na sitwasyon sa Marawi.

Ang China at Russia ay dalawa sa mga bansang sinasabing malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *