China tiniyak ang patuloy na suporta sa Pilipinas
Tiniyak ng China ang patuloy na pakikipagtulungan sa Pilipinas para mapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.
Ito ang inihayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian sa kanyang talumpati sa Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) and Ilocos Norte Investment Conference.
Ayon kay Huang, handa silang mag explore ng investment opportunities sa bansa gaya sa Ilocos Norte.
Sa nasabing Investment Conference,sinabi naman ni Ilocos Governor Matthew Marcos Manotoc, na sa pamamagitan ng ginawang conference ay nais nilang makahikayat ng mas maraming investors na tiyak na lilikha ng mas maraming trabaho.
Ang hiniling lang aniya nila sa mga negosyanteng Chinese, dapat ay mga lokal o residente ng Ilocos rin ang kuhaning manggagawa.
Madelyn Villar-Moratillo