China tiniyak na makikipagtulungan sa Pilipinas sa paglaban sa POGO- related crimes
Nagkasundo ang Pilipinas at China na palalimin ang kooperasyon sa paglaban at pagtugis sa mga krimen na may kaugnayan sa mga illegal POGO.
Ito ay matapos ang isinagawang pagpupulong nina Justice Secretary Crispin Remulla at Chinese Embassy in the Philippines Chargé d’affaires Ad Interim Zhou Zhiyong ukol sa protocols sa deportasyon ng Chinese nationals.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, pinaigting ng Tsina at Pilipinas ang komunikasyon at kolaborasyon laban sa mga kriminal na aktibidad gaya ng kidnapping at illegal detention sa mga Chinese sa bansa.
Tiniyak ni Huang na handa ang Chinese Embassy na makipagtulungan sa Pilipinas sa pagpapauwi sa sangkot na Chinese nationals.
Pananatilihin din aniya ng embahada ang komunikasyon nito sa DOJ at iba pang ahensya ng pamahalaan ukol sa detalye ng kooperasyon.
Moira Encina