China umalma sa anila’y maling akusasyon ng Pilipinas at US
Nagpahayag ng pagkabahala at pagka-disgusto ang China sa pinakahuling pahayag ng Pilipinas at Estados Unidos laban sa mga aktibidad ng Beijing sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Sa isang news conference, nanindigan si Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wen Bin sa hindi matatawarang soberenya ng China sa nasabing teritoryo sa rehiyon.
Sinabini Wang “China has undisputable sovereignty over the islands in the South China Sea and the adjacent waters.”
“The US-Philippine statement distorts and slanders China’s just and legitimate maritime law enforcement activities, and even creates rumors and smears against China but nothing,” diin pa ng opisyal.
Sinabi ni Wang na mariing tinututulan ng China ang nasabing mga pahayag.
Dagdag pa ni Wang labag din sa itinatadhanang international law ang naipanalong kaso ng Pilipinas sa United Nations Tribunal na nagbabang arbitral ruling noong 2016.
“The so-called South China Sea arbitration ruling severely violates international law, including the UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), and is illegal and void,” binigyang-diin pa ni Wang.
Maliwanag aniya ang posisyon ng China sa isyu.
“China’s position of non-acceptance and non-acknowledgement is clear and firm,” sabi pa ni Wang.
Handa raw ang China na makipag-usap para sa payapang resolusyon ng usapin ngunit hindi nito isusuko ang karapatan at interes sa pinagtatalunang teritoryo.
Sabi pa ni Wang “we will firmly protect our own territorial sovereignty and maritime rights and interest.”
Ginawa ng China ang pahayag matapos ang pangako ng Estados Unidos na dedepensahan nito ang Pilipinas sa isyung South China Sea sa harap ng lumalagong assertiveness ng China sa rehiyon, kasabay sa paglulunsad ng pinakamalaking joint military exercise sa pagitan ng dalawang bansa.
Weng dela Fuente/AFP