China, umalma sa paglayag ng U.S warship sa West Philippine Sea
Mariing ikinondena ng China ang ginawang paglayag muli ng US warship malapit sa Beijing controlled islands, sa pinag-aagawnag teritoryo sa West Philippine Sea, ito ay para patunayan ang freedom of navigations sa nasabing lugar.
Lumayag ang nasabing warship nang hindi man lamang nagpaalam sa tatlong claimants ng mga bansa bago isinagawa ang paglayag.
Ayon sa US Defense Department Spokesman, ang China, Taiwan at Vietnam ay mayroong overlapping claims sa nasabing lugar na nangangailangan ng prior notice.
Ang pinakabagong operation ng US ay nakatutok sa China, na lalo pang nagiging agresibo ngayon dahil sa kanilang ginagawang massive construction na mga man-made islands at iba pa sa tinaguriang disputed island.