Chinese Ambassador Huang Xilian at Pangulong Duterte, nagkausap na sa isyu sa Julian Felipe Reef
Nagkausap na si Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay ng isyu sa Julian Felipe Reef.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na itinanggi ni Ambassador Huang na mga Chinese Militia Ship ang nakahimpil sa Julian Felipe Reef hanggang ngayon.
Ayon kay Roque mga barkong pangisda umano ang nakahimpil sa Julian Felipe Reef dahil masama ang lagay ng panahon sa lugar.
Inihayag ni Roque siniguro ni Ambassador Huang sa Pangulo na hindi magtatagal ay aalis din ang mga 220 Chinese vessel sa Julian Felipe Reef.
Kumbinsido umano si Pangulong Duterte sa paliwanag ni Ambassador Huang at naging maayos ang meeting na ginanap sa Malakanyang .
Nagpaabot pa ng maagang pagbati si Ambassador Huang kay Pangulong Duterte na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa March 28.
Magugunitang dahil sa presensiya ng mga umano’y Chinese Militia vessel sa Julian Felipe Reef naghain ng Diplomatic Protest ang Department of Foreign Affairs o DFA laban sa China.
Vic Somintac