Chinese ambassador ipinatawag na ng DFA
Ipinatawag na ng Department of Foreign Affairs si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil sa iligal na pagpasok ng isang Chinese vessel sa Sulu sea.
Ayon sa DFA pumasok ang reconnaissance ship na ng China na may body number na 792 sa karagatang sakop ng Pilipinas mula January 29 hanggang February 1 ng walang permiso.
Pumasok ito sa Palawan Cuyo group of island at Apo island sa Mindoro.
Tinangka itong paalisin ng BRP Antonio Luna pero nanatili pa rin ang barko ng tatlong araw.
Ayon sa DFA hindi ito maituturing na innocent passage kundi tahasang paglabag sa soberenya ng bansa.
Wala pang sagot ang embahada ng China sa isyu.
Meanne Corvera