Chinese coronavirus vaccine, nagpakita ng 50% efficacy sa Brazil
SAO PAULO, Brazil (AFP) — Nagpakita ng 50% efficacy ang Coronavac COVID-19 vaccine na dinivelop ng China, kasunod ng mga ginawang test sa Brazil. Ayon mismo ito sa organisasyon na namamahala sa produksyon nito sa South American country.
Ang Coronavac ay ibinakuna sa frontline health care workers na may close contact sa coronavirus patients.
Inulit ng Butantan Institute ang pag-aangkin nito mula noong nakaraang linggo, na ang bakuna ay 78 porsyentong epektibo upang maiwasan ang mga banayad na kaso ng COVID-19, na nangangailangan ng paggamot at nagpakita ng 100 porsyento ng pagiging epektibo para maiwasan ang katamtaman hanggang sa mga seryosong kaso.
Sa pangkalahatan, ito ay 50% epektibo para makaiwas na mahawaan ng sakit, kabilang na ang mild cases bagaman hindi asymptomatic.
Sinabi ni Butantan director Dimas Covas, na ang bakuna ay ligtas at epektubong bakuna na pasado para gamitin sa isang emergency.
Ang trial na nilahukan ng 12,500 volunteers, ay hindi nagpakita ng anomang adverse effects o significant allergic reactions.
Bagamat ang bakuna ay nakaabot sa minimum efficacy target ng 50 percent na itinakda ng World Health Organization (WHO), malayong malayo pa rin ito sa iba pang bakunang dinivelop ng Moderna (94 percent) at Pfizer/BioNTech (95 percent).
Nitong nakalipas na Biyernes, iprinisinta ng Butantan ang unang vaccine authorization request sa health regulatory body virus ng Brazil, ang ANVISA.
Ilang oras lamang ang nakalipas ay sinundan naman ito ng isang request mula sa mga taga gawa ng AstraZeneca/Oxford vaccine.
Ang Coronavac ay naging sentro na ng isang political dispute sa pagitan ni President Jair Bolsonaro, na paulit-ulit nang tinangka na siraan ang bakuna, at ng taga suporta nito na si Sao Paulo state governor Joao Doria, na inaasahang hahamon sa kasalukuyang pangulo sa presidential election sa susunod na taon.
Ang Brazil ay nakapagtala na ng higit 203,000 namatay mula sa COVID-19 at higit walong milyong kaso mula sa kanilang 212 milyong populasyon.
Simula naman noong Nobyembre ng nakalipas na taon, ay nakaranas na ito ng second wave ng infections.
Ang estado ng Sao Paulo ay nakatakdang simulan ang pagbabakuna sa kanilang 12 milyong mamamayan mula Enero 25.
Ang Beijing ay nakapagpadala na ng 10.7 million Coronavac doses, at ng mgha supply na kakailanganin sa paggawa ng 40-milyong doses pa..
Gayunman, hindi pa inaanunsyo ng health ministry kung kailan nila ilulunsad ang isang nationwide immunization program.
© Agence France-Presse