Chinese Embassy, iginiit na walang karapatan ang US na makialam sa isyu sa South China Sea
Walang karapatan ang Amerika na makialam sa mga maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ito ang iginiit ng Chinese Embassy sa Maynila kasunod ng muling pagtungo sa Pilipinas ni U.S. Secretary of State Antony Blinken.
Sa kaniyang pagbisita sa bansa, muling siniguro ni Blinken ang ironclad commitment ng US sa Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika sa oras ng armadong pag-atake.
Sa pahayag ng Embahada ng Tsina, sinabi nito na hindi partido ang Amerika sa isyu ng South China Sea (SCS).
Ayon pa sa Chinese Embassy, “ The US is not a party to the South China Sea issue and has no right to interfere in the maritime issues between China and the Philippines. The recent tension in the South China Sea would not have occurred without the US egging on the Philippines. Indeed, the US admits to banding together a small number of countries to offer verbal support to the Philippines. The US-Philippines Mutual Defense Treaty is a vestige of the Cold War. The military cooperation between the US and the Philippines should not undermine China’s sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea.”
Dagdag pa ng Embahada, hindi mangyayari ang mga tensiyon sa SCS kung hindi inudyukan ng Amerika ang Pilipinas.
Inamin din anila ng US na nagbuo ito ng grupo ng ilang bansa para magpahayag ng suporta sa Pilipinas.
Hinimok din ng Tsina ang Amerika na huwag magsimula ng gulo sa SCS o kaya ay pumanig sa sinuman sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.
Una na ring kinastigo ng Chinese Foreign Ministry ang pakikisawsaw ng US sa usapin ng South China Sea.
Moira Encina