Chinese na negosyante inaresto ng NBI dahil sa iligal na pagbebenta ng mga sea horses at birds nest

Ipaghaharap ng NBI ng mga reklamong paglabag sa Fisheries Code at Philippine Wildlife Act ang isang negosyanteng Chinese dahil sa pagbebenta ng mga sea horses at birds nest na itinuturing na endangered species.

Sinabi ni Atty. Czar Nuqui, hepe ng Environmental Crime Division ng NBI, naaresto ang suspek na kinilala lamang na Mr. Uy sa isang entrapment operation sa Lucky Charm Drug Store sa Salazar St., Binondo, Maynila.

Nakumpiska sa Chinese drug store ang 400 pirasong sea horses na ibinibenta sa halagang 2800 pesos at kahun-kahong birds nest na may halaga na mula 16 thousand pesos hanggang 70 thousand pesos.

Ayon sa NBI, part-owner  si Mr. Uy ng drug store habang ang may-ari nito na si Hanica Coli ay hindi nadatnan ng NBI.

Kasama sa inaresto ng NBI ang babaeng store manager ng Lucky Charm Drug Store.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *