Chopper deal sa Russia hindi na itutuloy ng BBM administration
Hindi na ikukunsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang chopper deal sa Russia.
Ito ang tiniyak ni PBBM matapos tanungin ng mga kagawad ng media ukol sa kontrata para sa pagbili ng labing-anim na military heavy-lift helicopters mula Russia na kinansela sa panahon ng Duterte administration sa layong makaiwas sa anumang sanction mula sa western countries.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi na maaaring baliktarin ang naging desisyon ng nakalipas na administrasyon.
Una rito, hiniling ng Russia sa BBM administration na kilalanin ang nasabing kontrata.
Binigyang-diin pa ng Pangulo na may nakuha na silang alternating supplier ng mga chopper.
Umaasa naman ang Pangulo na maibalik ng Russian chopper maker ang bahagi ng naunang bayad ng Pilipinas para sa kinanselang kontrata.
Meanne Corvera