CHR, iniimbestigahan na ang pagkamatay ni Genesis Argoncillo alyas Tisoy
Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights o CHR ang kaso ng pagpatay kay Genesis “Tisoy” Argoncillo habang nasa loob ng detention cell ng Station 4 ng Quezon City police district.
Sa isang statement, sinabi ni CHR spokesperson Jackie de Guia na kasama sa kanilang inaalam ang pananagutan ng mga pulis na umaresto at nagbantay kay Argoncillo.
Paalala ni De Guia, tungkulin ng mga pulis na protektahan ang karapatan ng mga bilanggo gaya ni Argoncillo.
Nakapaloob aniya sa Republic Act 9745 o Convention Against Torture na ang police negligence na nagresulta sa pagkamatay ng isang bilanggo ay ikinukunsidera na torture at may katapat na parusa.
CHR Spokesperson Jackie De Guia:
“Sa pagkakataong may malinaw na paglabag sa batas, pinapaalalahan ng CHR ang kapulisan na kahit ang mga nakabilanggo o persons deprived of liberty ay may mga karapatang kailangan pangalagaan. Police negligence that may result in the detainee dying or suffering injuries can be considered torture or cruel, inhumane, and degrading treatment or punishment under Republic Act 9745 and Convention Against Torture”.
Ulat ni Meanne Corvera