CICC , binalaan ang publiko laban sa pagdami ng investment scams sa bansa
Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC ang publiko laban sa surge
ng investment scams sa bansa.
Sa gitna umano ito ng pagsirit ng presyo ng cryptocurrency sa pandaigdigang merkado.
Sa isang pahayag sinabi ni CICC Executive Director Alexander Ramos na simula nitong nakaraang linggo may 14 na reklamo ang kanilang natanggap patungkol sa cryptocurrency at dollar scam.
Karaniwang scammer umano ay dayuhan na nangangako ng investment sa cryptocurrency.
Karaniwan aniya ay hinihikayat ang biktima na mag-invest ng $100 hanggang $1,000 na idedeposit naman sa isang foreign account.
Pero sa oras na maideposito na ang pera hindi na makontak ang scammer.
Paalala ng CICC sa publiko maging alerto at ireport agad ito sa kanilang hotline na 1326.
Madelyn Villar- Moratillo