C/Insp. Jovie Espenido natuwa sadesisyon ni Pangulong Duterte na huwag muna siyang ilipat sa Iloilo City

Nasiyahan naman si Ozamiz City Police Station commander C/Insp. Jovie Espenido sadesisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag muna siyang ilipat sa Iloilo City.

Inamin ni Espenido na labag sa kaniyang kalooban ang pagka-reassign sa Iloilo City lalo pa’t hindi pa siya tapos sa pagtugis sa natitirang mga kasapi ng Parojinog criminal group na nasa likod ng mga kriminalidad sa Misamis Occidental at ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Espenido, nababahala rin siya sa seguridad ng mga witness laban sa mga Parojinog kung kaya’t ayaw muna niyang iwan ang nasabing lugar.

Sinabi nito na iiwan lamang niya ang Ozamiz sa oras na mahuli na si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog at isang pamangkin nito.

Samantala, nagbunyi naman ang mga residente ng Ozamiz sa pagbawi ni Duterte sa re-assignment ni Espenido.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *