CJ Sereno hindi nakadalo sa Independence Day flag raising ceremony sa Caloocan dahil sa paghahanda sa Martial Law oral arguments

sereno

Courtesy of Wikipedia.org

Bigong makadalo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan sa Bonifacio monument sa Lungsod ng Caloocan dahil sa abala ito para sa mga paghahanda sa idaraos na preliminary conference at oral arguments sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, imbitado ang punong mahistrado sa flag raising ceremony sa Caloocan ngayong araw ng kalayaan.

Pero siya ay tumanggi bunsod ng mga petisyon na inihain laban sa legalidad ng proklamasyon ng batas militar sa Mindanao.

Abala anila ang punong mahistrado at ang iba pang SC justices sa pagrebyu sa mga petisyon at pagdinig sa mga argumento bilang pagtupad sa kanilang constitutional duty.

Nakatakda mamayang alas -dos ng hapon ang preliminary conference habang sa June 13 hanggang 15 naman ang oral arguments sa tatlong petisyon na kumukwestyon sa factual basis ng Proclamation 216 ng Pangulo.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *