Clean up drive ng mga kabataan ng Barangay Banga Meycauayan City, matagumpay na naisagawa
Para makatulong sa kalinisan ng kapaligiran isang grupo ng mga kabataan sa Barangay Banga Meycauyan City Bulacan ang nagsagawa ng clean up drive.
Sa halip na mga laruan ang bitbit ng mga nasabing kabataan na may edad 6 pataas o paglalaro ang kanilang ginagawa ay ibinuhos nila ang kanilang oras sa pamamagitan ng pagsama at pakikipagkaisa na maging malinis ang kanilang lugar.
Bitbit ng mga ito ang kanilang mga gamit panlinis tulad ng walis, dustpan, sako, timba na may tubig.
Bawat madaanan nilang halaman na nakatanim sa tabi ng daan ay kanila itong dinidiligan, kanila ding winawalisan at tinatanggalan ng mga bara ang mga kanal para makadaloy ng mabuti ang tuig at mawala ang mga lamok na maaring mapagmulan ng sakit na dengue.
Ayon sa grupong kinilalang Robinhood Youth Volunteer layunin nilang makatulong sa kanilang barangay na maging malinis at maayos ang kanilang kapaligiran hindi lamang sa kanilang barangay kundi para makatulong din sa kanilang bayan.
Ayon sa grupo walang pumilit sa kanila na gawin ang nasabing paglilinis.
Ulat ni: Earlo Bringas