Clearing operation sa Manila Bay sand, isinasagawa ng DENR at Manila Department of Public Services
Nagsasagawa ngayon ng clearing operation ang Baywalk marshals o personnel ng Department of Environment and Natural Resources at Manila (DENR) at Department of Public Services sa tinaguriang Manila Bay sands.
Dahil sa mga pag-ulan, maraming basura ang inanod rito gaya ng mga water hyacinth at mga kahoy na naanod din dahil sa lakas ng alon.
Ang mga nahakot na basura ay inilagay sa garbage bags na isinasakay naman sa mga truck.
Dahil high tide, may bahagi naman ng mga dolomite ang naanod.
Ang Manila Bay sand ay naging kontrobersyal matapos paglaanan ng malaking pondo sa gitna ng Pandemya.
Pero paliwanag ng pamahalaan, matagal ng nailaan ang pondo para rito na bahagi ng ipinag- utos ng Korte Suprema na rehabilitasyon para sa Manila Bay.
Madz Moratillo