Clearing operations isinagawa sa ibat- ibang Barangay sa Santa Rosa City, Laguna; Sapat na relief goods para sa mga apektado ng bagyo, tiniyak

Agad nagsagawa ng clean-up operations ang lokal na pamahalaan ng Santa Rosa City, Laguna sa mga lugar na may mga nagtumbahang mga puno dahil sa malakas na hangin at ulan dulot ng bagyong Quinta.

Pinangunahan ng Santa Rosa City Disaster Risk Reduction and Management Office at mga opisyal mula sa mga barangay ang paglinis sa mga debris at pagtanggal sa mga punong nagbagsakan sa mga kalsada.

Partikular na isinagawa ang clearing operations ng CDRRMO sa Zavalla 2 sa Brgy Market Area; Garden Villas; Brgy Pooc; Santa Rosa Community Hospital; Brgy Kanluran; at Brgy. Tagapo.

Gayundin, sa Golden City, Barangay Dila; Manggahan, Barangay Dita; Barangay Don Jose; Barangay Macabling; Barangay Pulong Santa Cruz; at Barangay Santo Domingo.

Samantala, tiniyak ng City Government na may nakahanda at sapat na relief packs para sa mga apektado ng bagyo.

Sa pinakahuling tala,  mayroong halos 200 indibidwal o 36 pamilya  mula sa mga Brgy Caingin at Aplaya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Inilikas ang mga pamilya dahil sa banta ng pagtaas ng tubig sa kanilang lugar dahil sa masamang panahon.

Siniguro ng LGU na naipatutupad ang physical distancing at health protocol sa mga evacuation centers bunsod pa rin ng banta ng Covid-19.

Moira Encina


Please follow and like us: