Clearing operations sa mga kalsada sa Taguig city, pinaigting na rin
Mas pinaigting na ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang kanilang clearing operations sa mga lansangan sa lungsod.
Kasabay nito inatasan ni Taguig city Mayor Lino Cayetano ang Traffic Management office, Public Order and Safety Office, Market Management Office, Business permits and licensing office, General Services office, at Solid waste management office ng lungsod sa pakikipagtulungan ng pulisya at MMDA na tiyaking malilinis sa anumang uri ng sagabal ang lahat ng lansangan sa Taguig.
Ayon kay Cayetano, prayoridad nila na makagawa ng pedestrian-centered na komunidad para sa kapakanan ng publiko bilang bahagi ng safe city campaign ng alkalde.
Sa ginawang clearing operations kanina may ilang tindahan pa na nakaharang sa kalsada ang inalis, at maging nakatayong outpost sa sidewalk na nakakasagabal sa pedestrian.
Una ng inatasan ni Pangulong Duterte ang mga lokal na pamahalaan sa mwtro manila na tiyaking mababawi muli ang mga pampublikong kalsada na ginagamit ng mga nasa pribadong sektor.
Ulat ni Madz Moratillo