Clinical trials para sa VCO, malapit nang matapos — DOST
Hindi pahuhuli ang sariling pangontra sa covid 19 ng pilipinas dahil malapit nang matapos ang isinasagawang clinical trials ng virgin coconut oil o vco na makatutulong sa mga covid patients
Ito ang Pahayag ni DOST Sec. Fortunato dela Pena
Ayon kay dela Pena may dalawang trials na isinasagawa sa vco na dito ay susuriin ang beneficial effects ng virgin coconut oil sa mga suspect and probable COVID-19 at ang ikalawa naman ay para sa moderate at severe cases na nasa recruitment phase pa lamang.
Inaasahan ni dela pena na magkakaroon na siya ng report tungkol sa nasabing mga trial sa nobyembre.
Pinondohan ng DOST ang pag-aaral sa VCO dahil batay sa mga pag aaral may taglay na “anti-viral” property ang vco na may malaking maitutulong sa mga covid 19 patients.
Belle Surara