Closet na pagmamay-ari ng isang Singaporean socialite, kailangan pa ng Fingerprint access
Isang Singaporean socialite ang may closet na mas malaki pa kaysa sa tinitirhang apartment ng karamihan sa mga karaniwang tao sa Singapore.
May sukat kasi ito na 700-square-foot at protektado rin ito ng fingerprint access technology.
Para ma-maximize ang space, mayroon itong filing cabinet storage system na may 10 iba’t-ibang sliding door.
Ayon sa may-ari ng closet na si Jamie Chua, siya mismo ang nag-design sa interior nito para literal niyang ma-i-frame ang kaniyang mga gamit gaya ng isang art.
Mayroong glass panels na naka-install sa kaniyang closet, kung saan naroroon ang mahigit 200 niyang Hermès handbags, 300 pares ng Designer shoes (na siguradong madaragdagan pa), mamahaling mga damit, mga alahat at iba’t-ibang accessories.
Ayon kay Chua, ang kaniyang most treasured belonging sa kaniyang closet, ay ang kaniyang Himalayan crocodile birkin bag na may white gold detailing, at 245 diamonds.
Isa ito sa pinakamahal na bag sa buong mundo.
Pero kahit napakarami niyang damit, sapatos at bag ay hindi nahihiya si Chua na amining, paulit-ulit niya ring ginagamit ang ilan sa mga ito.
==============