Closing ceremony ng 50th ASEAN foreign ministers meeting pinangunahan ni Pangulong Duterte
Dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasara ng 50th Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Foreign Ministers meeting sa Philippine International Convention Center o PICC.
Ang Pilipinas ang host ng golden anniversary ng ASEAN na magtatapos sa Nobyembre kasabay ng all leaders meeting.
Pagkatapos ng mensahe ng Pangulong Duterte sa mga foreign minister ay nakipagpulong siya kay ASEAN Secretary General Lee Loung Minh at kay Japanese Foreign Minister Taro Kono.
Nauna ng nakipagpulong si Pangulong Duterte kay US Secretary of State Rex Tillerson sa Malakanyang ganun din kay Australian Foreign Minister Julie Bishop.
Tumanggi si Pangulong Duterte na isapubliko ang pinag-usapan nila ni Secretary Tillerson samantalang ipinarating ng Pangulo kay Foreign Minister Bishop ang pasasalamat ng Pilipinas sa tulong ng Australia sa Armed Forces of the Philippines sa ginagawang pakikipaglaban sa mga teroristang Maute group sa lungsod ng Marawi.
Ulat ni: Vic Somintac