Closure order ni DENR Sec. Gina Lopez sa mga mining company pinarerepaso ni Pang. Duterte
Bubusisiin ng Mining Industry Coordinating Committee o MICC ang desisyon ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez na ipasara ang mga minahan at kanselahin ang mga existing mining contract sa bansa.
Batay sa desisyon ni Secretary Lopez 23 minahan ang kanyang ipinasasara dahil lumalabag ang mga ito sa batas na nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran.
Bukod sa 23 mining companies kinansela rin ni Lopez ang 75 mining contract para hindi na makapagsimula ng operasyon.
Sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez na tumatayong co- Chairman ng MICC layunin ng gagawing pagrepaso sa desisyon ni Lopez na closure order at contract cancellation sa mga mining companies na tignan kung nasunod ang tamang proseso.
Ulat ni : Vic Somintac