Cloud seeding isa sa ikinukunsiderang solusyon sakaling lumala ang El Niño

Gumagawa na raw ng aksyon ang mga ahensya ng pamahalaan para labanan ang magiging matinding epekto ng El Niño ngayong tag-init.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on Agriculture, nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng Philippine Airforce  para sa cloud seeding sakaling tumindi ang sitwasyon.

Magkakaroon na rin aniya ng re-scheduling ng planting season batay sa direktiba ng Department of Agricuture para mapakinabangan ang mga pananim ng mga magsasaka.

Kasama na rito ang pagtatanim ng mga gulay na hindi na mangangailangan ng mas maraming tubig.

Sa ganitong paraan, hindi masyadong maapektuhan ang mga magsasaka sakaling tumama ang El Niño.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *