COA report laban sa magkakapatid na Tulfo, iimbestigahan ng Malakanyang
Kinumpirma ng Malacañang na iimbestigahan nila ang Commission on Audit o COA report na nagsasabing nagbayad si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ng 60 million pesos sa Media production na pagmamay-ari ng kanyang mga kapatid.
Ito’y matapos lumabas ang COA report na nagbayad ang Department of Tourism o DOT ng 60 million pesos sa magkapatid na Erwin at Ben Tulfo na “block timer” sa government television network na PTV kung saan sa kanilang programa umeere ang DOT advertise.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque nalaman na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balita tungkol sa magkakapatid na Tulfo at sisilipin ang COA report.
Ayon kay Roque ang resulta ng imbestigasyon ay magiging basehan ng course of action ng Malacañang.
Nagpaliwanag na rin si Secretary Wanda na walang conflict of interest sa nasabing kontrata.
Ulat ni Vic Somintac