Coast Guard nagbabala sa pagsakay sa Colorum na sasakyang pandagat
Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga biyahero laban sa pagsakay sa mga colorum na sasakyang-pandagat para sa kanilang kaligtasan sa panahon ng mahabang bakasyon.
Paalala ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, delikado ang pagsakay sa mga ito na madalas aniyang nagiging dahilan ng mga sakuna sa karagatan.
Ang mga colorum na sasakyang pangdagat karaniwan din aniyang walang de kalidad na life saving equipment at hindi dumaan sa inspeksyon ng mga awtoridad gaya ng PCG.
Para matukoy aniya na colorum ang sasakyan, ang mga ito ay hindi dumadaong sa pantalan na may bantay na Coast Guard.
Isa pang palatandaan ay dapat may security number sa gilid ng barko na katunayang naka-enroll sila sa data base ng coast guard.
Sa mga inter-island o mga tourist spot naman aniya ay dapat naka-rehistro sa mga local government units (LGUs) ang mga sasakyang bangka.
Madelyn Villar- Moratillo