Coconut water, maraming benepisyong dulot sa katawan ayon sa pag aaral
Sa isinagawang pag aaral tungkol sa coconut water o sabaw ng niyog, lumabas na maraming benepisyong pangkalusugan ang dulot nito sa katawan.
Kabilang dito ang maraming nutrients tulad ng Antioxidants, Amino Acids, Enzymes, B-Complex, Vitamin C, Iron, Calcium, Potassium, Magnesium, Manganese, at Zinc.
Kumpara sa isang typical sports drink, may natural electrolytes ito, na mas maiging inumin kung saan pinananatili nitong dehydrated, masigla at malakas ang katawan.
Mainam din ang coconut water sa mga Diabetic dahil napabababa nito ang sugar level at higit sa lahat na nakatutuwang benepisyo nito ay mapananatili na young at healthy ang ating balat.
Ulat ni: Anabelle Surara