Cold storage facilities na pag-iimbakan ng Anti COVID-19 vaccine , pinaghahandaan na ng Malacañang
Kahit wala pang available na bakuna sa COVID-19 ay pinaghahandaan na ng pamahalaan kung paano i- iimbak ang mga ito.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinag-uusapan na ang mga hakbang na dapat gawin kaugnay ng gagawing pag- aangkat ng pamahalaan ng Anti COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Roque na matinding hamon sa pamahalaan ay ang gagawing storage ng mga maaangkat na bakuna.
Inihayag ni Roque, hindi ordinaryong cold storage facility ang paglalagyan sa aangkating milyon- milyong dosage ng bakuna kontra COVID-19 dahil ang kailangang temperatura kung saan itatago ang vaccine ay nasa negative 90 degrees.
Niliwanag ni Roque na walang problema ang pamahalaan sa perang pambili sa bakuna sapagkat nakalatag na ang financing scheme na gagamitin.
Kaugnay nito umaasa ang pamahalaan na sa unang bahagi ng susunod na taon ay magiging available na ang Anti-COVID Vaccine dahil maganda ang ipinapakitang resulta ng final clinical trial ng mga bakuna na ginagawa ng China, Russia at Amerika.
Vic Somintac