Coldplay, titigil na sa pag-record ng kanta sa 2025
Inihayag ng Coldplay frontman na si Chris Martin, na titigil na sila sa pagre-record ng kanta sa 2025, subalit ang sikat na British band ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga tour.
Ini-release ng Coldplay na kilala sa kanilang hits gaya ng “Yellow” at “Clocks,” ang una nilang studio album na “Parachutes” noong 2000.
Simula noon ay nakapag-record sila ng walong iba pa, kabilang ang pinakabago nilang “Music of the Spheres,” na inilabas nito lamang Oktubre at magkakaroon ng isang world tour sa susunod na taon.
Ayon kay Martin . . . “Our last proper record will come out in 2025, and after that I think we will only tour. The band which formed in 1997, might continue to do collaborative things but the Coldplay catalogue, as it were, finishes then”.
Ayon sa Official Charts Company, ang pinakabagong album ng Coldplay na “Music of the Spheres” ay agad nag-number one at siya ring “fastest selling” album sa UK ngayong taon.
Lahat ng mga naunang album ng banda ay nag-top din sa charts, at higit 100 milyong albums nila ang naibenta. (AFP)