Colombia nagdeklara na ng ‘emergency’ dahil sa forest fires
Nagdeklara na ang Colombia ng isang state of emergency sa dalawang rehiyon, habang dose-dosenang forest fires ang nananalasa sa bansa na nagdulot ng nakasasakal na usok bunga ng mainit na temperaturang may kaugnayan sa El Niño weather pgenomenon.
Daan-daang sunog na ang inapula ng Colombia ngayong buwan, ngunit 25 ang naglalagablab pa rin ayon sa data mula sa National Disaster Risk Management Unit (UNGRD).
Sa Santander at Cundinamarca na kinaroroonan ng Bogota, kabisera ng Colombia, nasa 600 ektarya na ng kagubatan ang nilamon ng apoy at idineklara na ang states of emergency.
Sinabi ni Cundinamarca Governor Jorge Emilio Rey, “The emergency measures free up funds to ‘quickly address’ the negative impact on the department’s natural resources.”
Mahigit sa kalahati ng mga munisipalidad sa bansa ang isinailalim sa “red alert” kaugnay ng banta ng mga sunog, kung saan ang mga lugar sa paligid ng kapitolyo ang malubhang tinamaan.
Pumailanlang ang mga puting usok mula sa mga bundok na nakapaligid sa Bogota, at ang mga mamamayan sa commercial district ay nagsuot na ng mask bilang proteksiyon laban sa abo.
Sinabi ni President Gustavo Petro, na pinalalala ng global warming ang El Niño, isang weather phenomenon na karaniwang kasabay ng mataas na temperatura sa buong mundo, tagtuyot sa ilang bahagi ng mundo at malalakas na mga pag-ulan sa iba pa.
Aniya, “This may be the hottest year in the history of mankind, so I calling on ‘every mayor, every governor and the national government’ to prioritize water supplies.”
TOPSHOT – A firefighter combats a forest fire in Nemocon, Colombia on January 24, 2024. About twenty forest fires have Bogota and several regions of Colombia on alert, amid temperature records due to the El NiÒo phenomenon, authorities said this Wednesday, who are investigating whether they were caused accidentally or deliberately. (Photo by Luis ACOSTA / AFP)
Siyam na mga bayan sa hilaga, gitna at silangan ng Colombia ang nakapagtala ng ‘record temperatures’ ng hanggang 40.4 degrees Celsius (105 Fahrenheit).
Sa Bogota, nilamon ng matinding sunog ang kabundukan sa kanluran ng lungsod simula noong Lunes at ang wild animals ay nakitang sumilong sa mga built-up area.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang dito ang racoon-like animals na tinatawag na coatis, porcupines, mga ibon at palaka.
Nagdeploy din ng mga miyembro ng Colombian Army at volunteers na may dalang mga asarol, rakes at machetes upang alisin ang mga unburned brush mula pababang mga burol na nakapaligid sa kapitolyo, habang may mga helicopter naman sa himpapawid na may mga dalang tubig.
Ayon kay Daniel Trujillo, isang 23-anyos na Colombian Civil Defense volunteer, “Some areas have already been affected by the fire and some vegetation has not yet been consumed. What we are doing is trying to divide the burned areas from the unburned ones to prevent the fire from continuing to spread.”
Sinabi naman ni Gustavo Andres Betancourt, isang miyembro ng Colombian Army, “Some hotspots are still active. They are being contained, but at night, due to the high altitude and the winds, they start up again, creating new fires.”
Flames rise from a forest during a wildfire in Bogota on January 24, 2024. More than twenty forest fires have Bogota and several regions of Colombia on alert amid record temperatures due to the El NiÒo phenomenon, according to an official report on Wednesday. (Photo by Guillermo MUNOZ / AFP)
Nagbabala rin ang mga awtoridad na maaaring magkaroon ng hindi magandang epekto sa kalidad ng hangin ang sunog.
Isa sa ‘world’s most biodiverse countries,’ ang Colombia ay ilang buwan nang dumaranas ng record-high temperatures at drought conditions sa southern hemisphere winter.
Ayon sa forecasters, ang nabanggit na mga kondisyon ay inaasahang tatagal hanggang Hunyo.