Colorectal Cancer awareness month, ginugunita ngayong Marso
Ginugunita ng Department of Health (DOH) ang Marso bilang Colorectal Cancer Awareness.
Nilalayon ng paggunita na lalo pang itaas ang awareness o kamalayan ng publiko sa nabanggit na sakit upang ito ay maiwasan.
Iniuugnay ng eksperto ang malabis na pagkain ng karne sa pagkakaroon ng Colon cancer.
Ayon pa sa eksperto, ang Colon cancer ay tinatawag din na kanser sa malaking bituka.
Malaki ang kaugnayan ng nabanggit na sakit sa bowel movement.
Sabi pa ng eksperto, kapag ang diet ay mas maraming karne at kakaunti ang fiber, malaki ang tsansa na dapuan ng colon cancer.
Napakahalaga ng pagkaing sagana sa gulay at prutas para sa regular at maayos na bowel movement.
Kabilang naman sa sintomas ng colon cancer ay ang pagkakaroon ng polyps o bukol sa malaking bituka, change of bowel movement, pangangayat ng walang dahilan, hindi mawala mawalang pananakit ng tiyan at pakiramdam na napapagod kahit wala namang dahilan.
Alinman sa mga nabanggit ang maranasan, huwag itong ipagwalang- bahala at kumunsulta agad sa manggagamot.
Belle Surara