COMELEAK tiniyak na hindi na mauulit bago ang 2019 elections
Tiniyak ni COMELEC Chairman Andres Bautista na hindi na mauulit ang nangyaring leak ng records ng mga botante bago ang 2016 elections.
Sa pagsalang ng COMELEC sa budget hearing sa Kamara, nagpahayag ng pangamba ang mga kongresista na maulit ang COMELEAK sa 2019 midterm elections.
Paliwanag ni COMELEC Data Protection Officer Jose Tolentino nangyari ang leak ng voters information dahil hindi pa co-hosted ng Department of Information and Technology ang website ng ahensiya.
Ayon kay Bautista ngayong katuwang na nila ang DICT sa pagma-manage ng kanilang website ay tiyak na hindi na ito mapapasok ng mga hacker.
Ang pondo ng COMELEC para sa 2018 ay 16 bilyon mula sa dating 3.3 billion pesos
Malaking pondo nito ay gagamitin bilang paghahanda sa 2019 midterm elections.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo