Comelec 1st division sinimulan na ang prelim sa ilang petition for disqualification ni Presidential candidate Bongbong Marcos
Sinimulan na ng Comelec 1st Division ang preliminary conference kaugnay sa ilang petition for disqualification na inihain laban kay Presidential candidate Bongbong Marcos.
Kabilang rito ay ang petisyon ay inihain ng grupong Akbayan at iba pang personalidad, Bonifacio Ilagan, at retired General Abubakar Mangelen, na nagpakilalang chairman umano ng Partido Federal ng Pilipinas.
Ang nasabing partido ang nagbigay ng Certificate of Nomination kay Marcos.
Pinangunahan ni Comelec Commission Rowena Guanzon ang pagdinig na naka live stream rin sa social media page ng Comelec.
Pero ilang minutong nadelay ang pagdinig dahil hinihintay ng komisyon ang medical certificate ni Marcos.
Una ng sinabi ni Guanzon na naka isolate si Marcos pero maaari itong sumali sa pagdinig via zoom.
Dapat din ayon kay Guanzon na present ang iba pang abogado ni Marcos.
Madz Moratillo