COMELEC 2nd division, ibinasura ang petisyon para sa kanselasyon ng Presidential bid ni Bongbong Marcos
Ibinasura ng Comelec 2nd Division ang petisyon na naglalayong makansela ang Certificate of Candidacy ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, unanimous ang desisyon ng 2nd Division.
Batay sa nasabing resolusyon, sang ayon umano ang mga commissioner sa sinasabi ng petitioners na may ground para sa dismissal ni Marcos dahil sa material misrepresentation.
Pero binigyang bigat ng Comelec 2nd Division ang naging desisyon ng Court of Appeals sa tax case ni Marcos.
Batay umano sa nasabing CA decision, walang nakalagay na disqualification kay Marcos.
Isa pa sa ipinunto ng 2nd Division ay ang national internal revenue code ay naging epektibo lamang hanggang noong 1986.
Gayong ang tax case kay Marcos ay 1982 hanggang 1985.
Dahil rito, ng sabihin umano ni Marcos sa kanyang COC kung nagkaroon na ba sya ng conviction at sabihin nitong hindi pa, wala umanong nangyaring misrepresentation.
Sinabi rin aniya ng Comelec 2nd Division na walang attempt na linlangin ang komisyon at hindi kabilang sa crime involving moral turpitude ang kabiguang maghain ng income tax return.
Sinabi naman ni Atty. Theodore Te, abogado ng petitioners, na iaapila nila ang desisyon.
Madelyn Villar Moratillo