COMELEC aminado na may malaking epekto ang COVID-19 sa preparasyon para sa May 2022 national and local elections
Aminado ang Commission on Elections na apektado rin ng nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19 ang kanilang preparasyon para sa May 2022 National and Local elections.
Isa sa pinaka apektado ayon kay Comelec Commissioner Aimee Amploquio ay ang transportasyon ng supply sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Partikular aniya sa cross border shipping kung saan may ilan ang nangangailangan ng RT PCR test.
Ayon naman kay Comelec Comm. Marlon Casquejo, mula sa dating face to face na bidding ng mga gagamitin sa halalan ngayon at ginawa na nilang virtual ang proseso ng bidding.
Sa kabila ng mga lumutang na suliranin, tiniyak naman ng Comelec na ginagawa nila ang lahat upang masigurong magiging maayos ang kanilang mga preparasyon para sa halalan.
Madz Moratillo