COMELEC at BSP lumagda sa isang escrow agreement
Lumagda na sa isang escrow agreement ang Commission on Elections at Bangko Sentral ng Pilipinas para sa safekeeping ng source code ng sistemang gagamitin sa May 9 National and Local Elections.
Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, maglalaan sila ng isang vault kung saan ilalagak ang source code upang masiguro na walang sinumang ang makakagalaw rito.
Makakaasa aniya ang publiko sa seguridad ng source code sa oras na ideposito na ito sa BSP.
Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, sa pamamagitan nito ay makakaasa ang publiko sa kredibilidad ng gagawing halalan sa Mayo.Sot: Comelec Chairman Sheriff Abas.
Alam naman aniya ng publiko kung gaano kahigpit ang BSP kaya naman makasiguro ang publiko na kapag naideposito na ang source code, hindi na ito magagalaw at ligtas rin mula sa mga hacker.
Tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na bago ideposito sa BSP ay dumaan muna sa pagbusisi ng mga stakeholder ang source code.
Madz Moratillo