Comelec at Kamara pipirma sa isang kasunduan para sa Register Anywhere Project
Lalagda na rin sa isang kasunduan ang Commission on Elections para sa gagawing Register Anywhere Project sa Kamara o sa mababang kapulungan ng Kongreso sa Quezon City.
Sa abiso ng Comelec, ang paglagda para sa Memorandum of Understanding ay gagawin sa Enero 24.
Pangungunahan ito nina Comelec Chairman George Garcia at House Speaker Martin Romualdez.
Sa abiso ng Comelec, gagawin ang RAP sa Kamara sa Enero 25 at 26 mula 8:00 am hanggang 5:00 pm.
Sa pamamagitan ng RAP, pwedeng magparehistro ang mga bagong botante para sa Sangguniang Kabataan, Barangay, Local at National Elections, magpapatransfer ng registration ng record,
Registered Overseas Voters na babalik na sa Pilipinas at gusto ng bumoto sa BSKE, mga Senior Citizen at Persons with Disabilities na bagong botante o magpapa update ng kanilang Voter’s Registration Records.
Ayon sa Comelec pwede narin sa RAP sites ang reactivation ng application ng mga botante na na-deactivate dahil hindi nakaboto ng 2 beses o higit pa.
Madelyn Villar-Moratillo