COMELEC Chair Andres Bautista pinagbibitiw sa pwesto ng isang poll watchdog

comelec

Nais ng election watchdog group na Kontra Daya na magbitiw na sa pwesto si COMELEC Chairman Andres Bautista matapos manakaw ang computer sa opisina ng COMELEC sa Wao, Lanao Del Sur na naglalaman ng voters’ information noong enero.

Sinabi ng Kontra Daya na ang naturang insidente sa Wao, Lanao del Sur ay patunay  ng pagiging incompetent ni Bautista bilang lider ng poll body.

Dapat anilang magbitiw na si Bautista dahil sa muling kabiguan na protektahan ang mga sensitibong voters’ data.

Inamin ng COMELEC na inabot ng dalawang linggo bago nila naiulat sa National Privacy Commission ang nangyaring nakawan sa Lanao del Sur.

Katwiran ng COMELEC hindi  nila gustong maabala ang nagpapatuloy na voters registration para sa 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *