COMELEC Chair Bautista, pwedeng makaiwas sa impeachment complaint kung kusang magbibitiw sa pwesto – Rep. Evardone
May tiyansa pang makaiwas si Commission on Elections Chairman Andres Bautista sa impeachment proceeding.
Ito ay kung magbibitiw na lamang siya sa puwesto bilang Comelec chairman.
Ito’y matapos ihain ang impeachment complaint laban kay Bautista ng mga complainants na sina dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio.
Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, maiiwasan din na makaladkad pang lalo ang COMELEC sa kontrobersiyang ito kung mag-reresign na si Bautista
Please follow and like us: