COMELEC Chair Bautista sinampahan na ng impeachment complaint
Isinampa na ang reklamong impeachment laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
Nagtungo sa Office of the Secretary General ang complainant na si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at Attorney Ferdinand Topacio kasama ang kanilang abugado na si Attorney Manuelito Luna.
Ang impeachment complaint laban sa Chairman ng COMELEC ay nag-ugat sa mga alegasyon ng mismong asawa nito na si Patricia na nagbunyag na umanoy may tagong yaman ang kaniyang mister na nagkakahalaga ng isang bilyong piso.
Kabilang din sa reklamo ang pagtanggap ni Bautista ng referral fees o komisyon at ang umano’y accountability nito sa Data Breach gayundin ang pagpapalit ng script sa transparency server na sinasabing naging dahilan ng dayaan noong 2016 elections.