Comelec Chairman George Garcia nanawagan sa mga residente ng Bacoor Cavite na lumahok sa gagawing plebisito sa Sabado July 29.
Ayon sa Comelec ang plebisito ay gagawin sa ganap na ika 7am hanggang 3pm sa 223 clustered precincts sa 22 voting centers.
Sa ilalim nito boboto ang mga residente kung pabor sila o hindi sa pagsasanib ng mga barangay sa kanilang lungsod.
Sa oras na pumayag ang mayorya ng residente, ang 49 apektadong mga barangay ay pag-iisahin at gagawing 23 nalang.
Dahil diyan mula sa 73 ay magiging 50 nalang ang mga barangay sa Bacoor.
Layon umano nito na mapagbuti pa ang barangay programs sa Bacoor
Nasa 114,416 registered voters ang inaasahang lalahok rito
Nagpaalala naman ang Comelec na ang Information and Campaign Period ay mula June 28 hanggang July 27 lang kaya pagkatapos nito ay bawal ng magsagawa ng kampanya.
Iiral rin ang gun ban mula June 28 hanggang August 5 at may liqour ban mula July 28 hanggang 29.
Madelyn Moratillo