Comelec Chairman Sheriff Abas, lusot na sa Commission on Appointments
Lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments o CA ang appointment ni Comelec chairman Sheriff Manimbayan Abas.
Si Abas ang pumalit sa nagbitiw na si dating Comelec Chairman Andres Bautista matapos masangkot sa umano’y anomalya.
Sa panayam kay Abas, sinabi niya na bukas sila sa pgdaraos ng Hybrid elections sa 2019 pero nakadepende ito sa aaprubahang batas ng Kongreso.
Sa kasalukuyan aniya may batas na umiiral na dapat automated ang pagsasagawa ng National elections.
Sa ngayon target ng Comelec na resolbahin ang mga nakita nilang problema sa katatapos na baranggay at sk elections gaya ng pahirapang pagboto ng mga Persons with Disabilities o PWDs.
Kasama na rito ang pag activate sa hack precint finder at matiyak na walang mangyayaring failure of elections.
Si Abas ang kauna-unahang taga-Mindanao na naging chairman ng Comelec at pinakabata sa edad na 39.
Ang termino ni Abas ay magtatapos sa Feb 2, 2022.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: