COMELEC Chief bibisita sa Negros Oriental ukol sa mungkahing pagpapaliban ng BSKE sa lalawigan
Personal na magtutungo si Comelec Chairman George Garcia sa Negros Oriental.
Ito ay para sa gagawing konsultasyon kaugnay ng panawagang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lalawigan sa Oktubre.
Kasunod ito ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay Garcia makakasama nya sa nasabing konsultasyon ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nitong Lunes, June 5, nag-courtesy call kay Garcia si PNP Chief Benjamin Acorda Jr. at napag-usapan nila ang planong close coordination kaugnay ng BSKE.
Ayon sa Comelec, magkakaroon pa ng commmand conference sa mga susunod na araw bilang paghahanda sa local election sa Oktubre.
Madelyn Villar- Moratillo