Correction of names para sa mga kandidato sa 2022 elections, itinakda ng Comelec sa Nov. 8
Hanggang sa Nobyembre 8 na lamang ang itinakda ng Commission on Elections para sa paghahain ng correction o pagtatama sa pangalan ng mga kandidato para sa national at local positions sa May 2022 elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ito ay para sa lalabas na pangalan ng mga kandidato sa official ballot.
Samantala, hanggang Nobyembre 15 naman ang deadline para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa substitution ng isang opisyal na kandidatong umurong, namatay o na-disqualify.
Noong Biyernes, Oct 29 ay inilabas na ng Comelec ang tentaive list ng mga kandidato pero ito ay partial pa lamang.
Maaari itong makita sa comelec.gov.ph.