Comelec hindi ibabasura ang mga pirma
Nasa higit 2 milyong pirma ang natanggap ng Commission on Elections hanggang sa bago suspendihin ang lahat ng prosesong may kaugnayan sa People’s Initiative.
Kumakatawan ito sa 220 mula sa 253 legislative district sa bansa.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mananatili ito sa kanilang pag-iingat at hindi pwedeng ibasura.
Sa ngayon, sa bayan palang ng Hamtic sa Antique may mga binawing pirma sa Local Comelec Office.
Una rito, sinabi ni Garcia na walang expiration ang mga nasabing pirma.
Pero hindi sang-ayon rito si Senadora Imee Marcos at iginiit na ibasura ng Comelec ang mga pirma na nakalap aniya sa pekeng People’s Initiative, para sa Senadora dapat kung babawiin na ng poll body ang suspension, magsimula uli at idaan ito sa tamang proseso.
Tiniyak ni Garcia na sa gagawin nilang pag-aaral sa guidelines para sa People’s Initiative lahat ng mga isyu ay kasama sa kanilang ikukunsidera.
Tiniyak rin niya na lahat ng pirmang isinumite sa kanila sa oras na simulan ang verification ay sasalaing mabuti ng kanilang mga tauhan.
Madelyn Moratillo