Comelec, hindi pabor sa isinusulong na Hybrid elections sa May 2019

Hindi pabor ang Commission on Elections o Comelec sa isinusulong na Hybrid elections ng mga mambabatas sa 2019 Midternm elections.

Sa Hybrid elections, manual o manu-mano ang gagawing pagboto pero automation ang gagawing pagbilang.

Sa pagsalang sa makapangyarihang CA, sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Manimbayan Abas na dapat pag-aralan munang mabuti ng Kongreso ang ganitong sistema.

Sabi ni Abas sinubukan na nila ang hybrid bago ang 2016 elections pero pumalpak ito kaya nagdesisyon sila na magsagawa ng full automation.

Bukod dito, mapapamahal aniya ang gobyerno dahil batay sa kanilang computations aabot sa 20 hangang 30 billion ang magagastos sa hybrid halos triple sa 8 billion pesos na nagagastos kung full automation.

Sinabi pa ni Abas na mas prone ito sa dayaan dahil maaring mapalitan ang election returns kapag dinala na ito sa canvassing.

“Based sa experience ko your honor yung nangyari sa maguindanao pinalitan na yung ER yung accredit sa provincial .But again at first this will go to your side because you are the author.. but again based sa nakita namin your honor..doon ang problema nagkakaroon ng switching sa ER”- Chairman Abas

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *