Comelec kinumpirma ang pag-award ng kontrata para sa delivery ng election supplies
Kinumpirma ng Commission on Elections ang pag-award ng 1.6 bilyong halaga ng kontrata para sa delivery ng election supplies sa F2 Logistics.
Ang nasabing kumpanya ay iniuugnay sa negosyante na si Dennis Uy na kilalang supporter ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaprubahan na ng Commission banc ang notice of award para sa nasabing kontrata.
Sakop ng kontrata ang deployment ng election equipment at iba pang supply na gagamitin para sa 2022 Elections at maging ang warehousing ng mga ito.
Binigyang-diin naman ng Comelec na ang kontrata sa F2 ay sa Logistics delivery lamang at hindi ito magsu-suplay ng mga gagamitin para sa halalan.
Una rito, inatasan ni Comelec Chairman Sheriff Abas ang Special Bids and Awards Committee na imbestigahan ang F2 Logistics na iniuugnay kay Uy.
Madz Moratillo