Comelec magsasanay ng 7,000 tauhan ng PNP para magsilbi bilang back-up na electoral board members

Magsasanay ang Commission on Elections (Comelec) ng nasa 7,000 tauhan ng Pambansang Pulisya para magsilbing back-up na electoral board members sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ito ay para may humalili sa mga guro na regular members ng electoral board na hindi makapagsisilbi sa araw ng eleksyon.

Comelec Chairperson George Erwin Garcia

Sinabi ni Garcia na hindi ito ang unang pagkakataon na kinatuwang ng Comelec ang mga pulis para maging poll workers, dahil noong 2022 elections ay nagawa na ito sa North Cotabato.

Isasagawa ng poll body ang pagsasanay sa magsisilbing electoral board workers at mga police personnel sa Marso.

Ayon kay Garcia, “Kaya yung mga mag-a-attempt total naka-livestream na tatakutin electoral board members o kaya gagawa ng paraan para di makapagreport, pasensiyahan tayo, may PNP kami na ire-reserve para lang makapag-serve kaagad. Ginawa na po yan dati sa buong North Cotabato City. Noong 2022 lahat ng electoral board members hindi nagserve, buti meron kaming DOST-certified PNP personnel para magserve as members ng electoral board especially in the Bangsamoro.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *